si naislumaya ay isang babae na matagal nang alipin sa kanyang mga takot. na-trauma na siyang minsan sa pagsusulat ng journal dahil nangyari nang, sinunog niya ang lahat ng ito - sa napakaraming dahilan. isa na dito, ay nung humantong sa isip niya na walang silbi pala ang palagiang pagpuputakti laban sa mga demonyong tumutuligsa sa kanyang isipan. subalit, matapos ang ilang taon ay bigla na lang naisip niya na hindi na pala siya marunong magsalita. pinangungunahan sya palagi ng mga demonyong tumutuligsa sa kanya, binusalan ang kanyang bibig, inipit ang kanyang dila at ang kanyang diwa. paano niya kakalabanin ang demonyo kung hindi niya ito kilala? dapat marinig niyang muli ang boses niya, at una sa lahat, matuto muna syang magsalita nang walang pag-aalinlangan, nang walang takot...

<< November 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Nov 15, 2006
A Woman's Place is in the Struggle Daw

 

A Woman’s Place is in the Struggle Daw

 

* Isang pagninilay-nilay pagkatapos napakinggan ang kantang “Maria” ng Sining Lila na nagsasabing:   Bayan darating din ang araw

Iluluwal mo ang bagong Maria

Ang Mariang hindi tatalikod sa ‘yo

Hanggang kamatayan....

 

Handa ka na ba Maria?

May tapang ka ba?

Isipin na ang bisig mong mapang-aruga

Ay hindi lang sanggol ang kayang madadala.

 

Handa ka na ba Maria?

Labanan ang mga kamay na nakapiring sa yong mga mata?

Burahin sa isipan ang boses ni ama

Na nagsasabi sa iyo na mahina ka.

 

Kung bakit hindi,

Samantalang,

Sa mga pagkakataong ito

Mulat ka na

Kitang-kita mo sa iyong mga mata

Kung ano ang nangyari kay Liza, Liliosa at Lorena

Ang mga walang pangalang mga inang

Naghahanap sa kanilang pinaslang na mga anak

Ang mga walang pangalang mga asawang

Naghahanap sa kanilang pinaslang na mga mahal

Maria, higit sa lahat

Mulat ka na

 

Subalit bakit animoy pilit ibinabahay pa rin ang mga gagamba sa aking mga mata?

Kung bakit ang sinasabing puwang ng kababaihan ay nasa pakikibaka ay hindi ko pa makita

Dahil mahirap pa pala talagang mag-astang mulat tungkol sa kababaihan

Lalo’t nasa katayuang hindi pa lubusang kilala

Paano kung sila ay lumaban.

###

*Revised November 2006

 

 


Posted at 07:36 am by naislumaya

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry