si naislumaya ay isang babae na matagal nang alipin sa kanyang mga takot. na-trauma na siyang minsan sa pagsusulat ng journal dahil nangyari nang, sinunog niya ang lahat ng ito - sa napakaraming dahilan. isa na dito, ay nung humantong sa isip niya na walang silbi pala ang palagiang pagpuputakti laban sa mga demonyong tumutuligsa sa kanyang isipan. subalit, matapos ang ilang taon ay bigla na lang naisip niya na hindi na pala siya marunong magsalita. pinangungunahan sya palagi ng mga demonyong tumutuligsa sa kanya, binusalan ang kanyang bibig, inipit ang kanyang dila at ang kanyang diwa. paano niya kakalabanin ang demonyo kung hindi niya ito kilala? dapat marinig niyang muli ang boses niya, at una sa lahat, matuto muna syang magsalita nang walang pag-aalinlangan, nang walang takot...

<< February 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Feb 5, 2007
Federico at Nelly Intise: Kayo ay Hinahanap Pa Rin

Nag-agaw buhay na ang liwanag at dilim nang sindihan ni Bayan ang mga kandilang nakatirik sa paanan ng parke sa harap ng simbahan. Umuulan, subalit nanlaban ang mga ilaw. Lumiwanag. At maya-maya pa’y nagsipaglapit ang mga tao. Hindi sila kilala ni Bayan. At hindi rin nila kilala ang mga mukhang larawan na nakalapag sa hagdanang iniilawan ng mga kandila. Pero nagtatanong sila, nagtataka, “Sino at bakit, ano ba ang nangyari sa kanila?”

Mahirap magsindi ng kandila para sa mga taong, hindi mo tiyak kung sila pa bay buhay o patay na, pero nagsisindi pa rin sila. Hindi para kay Nelly. Hindi para kay Federico. Kundi, para sa mga sarili, upang kahit sa munting liwanag man lang, makita nilang may pag-asa, mahahanap pa rin nila ang kanilang hinahanap.


Posted at 07:00 am by naislumaya

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry