si naislumaya ay isang babae na matagal nang alipin sa kanyang mga takot. na-trauma na siyang minsan sa pagsusulat ng journal dahil nangyari nang, sinunog niya ang lahat ng ito - sa napakaraming dahilan. isa na dito, ay nung humantong sa isip niya na walang silbi pala ang palagiang pagpuputakti laban sa mga demonyong tumutuligsa sa kanyang isipan.
subalit, matapos ang ilang taon ay bigla na lang naisip niya na hindi na pala siya marunong magsalita. pinangungunahan sya palagi ng mga demonyong tumutuligsa sa kanya, binusalan ang kanyang bibig, inipit ang kanyang dila at ang kanyang diwa.
paano niya kakalabanin ang demonyo kung hindi niya ito kilala?
dapat marinig niyang muli ang boses niya, at una sa lahat, matuto muna syang magsalita nang walang pag-aalinlangan, nang walang takot...