Entry: A Woman's Place is in the Struggle Daw Nov 15, 2006



 

A Woman’s Place is in the Struggle Daw

 

* Isang pagninilay-nilay pagkatapos napakinggan ang kantang “Maria” ng Sining Lila na nagsasabing:   Bayan darating din ang araw

Iluluwal mo ang bagong Maria

Ang Mariang hindi tatalikod sa ‘yo

Hanggang kamatayan....

 

Handa ka na ba Maria?

May tapang ka ba?

Isipin na ang bisig mong mapang-aruga

Ay hindi lang sanggol ang kayang madadala.

 

Handa ka na ba Maria?

Labanan ang mga kamay na nakapiring sa yong mga mata?

Burahin sa isipan ang boses ni ama

Na nagsasabi sa iyo na mahina ka.

 

Kung bakit hindi,

Samantalang,

Sa mga pagkakataong ito

Mulat ka na

Kitang-kita mo sa iyong mga mata

Kung ano ang nangyari kay Liza, Liliosa at Lorena

Ang mga walang pangalang mga inang

Naghahanap sa kanilang pinaslang na mga anak

Ang mga walang pangalang mga asawang

Naghahanap sa kanilang pinaslang na mga mahal

Maria, higit sa lahat

Mulat ka na

 

Subalit bakit animoy pilit ibinabahay pa rin ang mga gagamba sa aking mga mata?

Kung bakit ang sinasabing puwang ng kababaihan ay nasa pakikibaka ay hindi ko pa makita

Dahil mahirap pa pala talagang mag-astang mulat tungkol sa kababaihan

Lalo’t nasa katayuang hindi pa lubusang kilala

Paano kung sila ay lumaban.

###

*Revised November 2006

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments