|
Nag-agaw buhay na ang liwanag at dilim nang sindihan ni
Bayan ang mga kandilang nakatirik sa paanan ng parke sa harap ng simbahan. Umuulan, subalit nanlaban ang mga ilaw. Lumiwanag. At maya-maya pa’y nagsipaglapit ang mga
tao. Hindi sila kilala ni Bayan. At hindi rin nila kilala ang mga mukhang larawan
na nakalapag sa hagdanang iniilawan ng mga kandila. Pero nagtatanong sila,
nagtataka, “Sino at bakit, ano ba ang nangyari sa kanila?” Mahirap magsindi ng kandila para sa mga taong, hindi mo tiyak kung sila pa bay buhay o patay na, pero nagsisindi pa rin sila. Hindi para kay Nelly. Hindi para kay Federico. Kundi, para sa mga sarili, upang kahit sa munting liwanag man lang, makita nilang may pag-asa, mahahanap pa rin nila ang kanilang hinahanap. |
| Leave a Comment: |