Entry: Mga Kabalintunaan Nov 20, 2007



Koleksyon ng mga Kabalintunaan Mula sa mga Istoryang Dinaanan Ko Ngayong Taon


Kabalintunaan 1: "Aanhin ang halik sa pisngi kung kirot ang mararamdaman mo dahil puno na ito ng pasa?"  - panaginip ng matalik na kaibigan ni Nelly sa kanya

Kabalintunaan 2: Pagkatapos dinukot, piniringan, pinaniniwala na tapos na ang kanilang hukay, pinanonood habang umiihi, binatukan ng nakarolyong papel, pagkatapos hinubaran sa loob ng kampo ng mga militar na myembro ng 27th at 39th IB sa Makilala, iginiit ng opisyal sa Tulunan Police station na isang imbitasyon lang ang ginawa kina Lorelie Naiz at Bernadette Solitario ng mga militar sa kanila noong Nobyembre 2006.

Kabalintunaan 3: "Legitimate military operation" ang sabi ng militar sa Sulu, pagkatapos binaril ng mga Marines ang isang bahay sa Sitio Tando Bato, at
namatay ang 3 myembro ng MNLF sa nasabing bahay. Natiktikan daw na mga ASG ang mga ito na nagmimiting sa nasabing lugar.

Kabalintunaan 4: Nagkakasakit din ang mga pobre ng hypertension. Hindi dahil sa pagkain ng karne. kundi dahil sa palaging kinakain nila na tuyo.

Kabalintunaan 5: Hindi daw matandaan ng mga CIDG kung ano ang eksaktong speech ng mga mass leader na nagrally sa Davao nung araw na dineklara ni
Presidente Arroyo ang State of National Emergency, kaya binawi nila ang kanilang sakdal na rebelyon na kanilang ipinasa laban sa kanila.

Kabalintunaan 6: Sabi ni Hadji Royo na taga Basilan, isa sa mga nakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig noong 2001 magkatapos sila ay hulihin sa Lamitan, mas gustohin pa niyang mamatay kaysa maranasan muli ang kanyang naranasan sa pagkabilanggo.

Kabalintunaan 7: Malapit daw na kaibigan si Kapitan Al-ag kay Congressman Ungab, kaya niya ito binoto. Matagal na daw silang magkaibigan mula ng manager pa si Ungab sa Banko.nagsimula siyang umutang ng P10,000 sa bangko kung saan si Ungab ang manager. Sa loob ng 5 taon, lumobo ang utang niya sa P3 milyon. Ganun daw sila ka-"close."

Kabalintunaan 8: Nago-goodbye man ang mga outgoing councilors sa konseho dahil tapos na ang kanilang termino. Pero pawang hindi. Dahil nanatili pa rin ang kanilang mga pangalan doon. Pumalit sa kanila ang kanilang mga kamag-anak, o di kayay mga anak.

Kabalintunaan 9: Ang Anti-Terrorism Law na Human Security Act of 2007 ay, sabi ng mga lawyers ng UPLM, isang "Teroristang Batas."

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments